^

Bansa

PNoy sa anti-dynasty law: 'Kawawa kami'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Suportado ni Pangulong Benigno Aquino III ang anti-dynasty law ngunit inaalala niya na masasagasaan ang ibang karapatan ng mga politiko.

"Pagkaintindi ko sa kasalukuyang Kongreso meron na hong mga panukalang batas na talagang umaabante na at pati si Speaker nagsalita na pabor siya diyan sa Anti-Dynasty Bill," pahayag ni Aquino sa kanyang eksklusibong panayam sa Bombo Radyo.

Sinabi ni Aquino, na mula sa isang political clan, na may hindi rin magandang epekto ang naturang panukala kung sakaling tuluyan itong maging batas.

Kaugnay na balita: PNoy: Pakikiaalam ng Korte Suprema sobra na

"Ang hirap nga nito 'yung kawawa na rin kaming mga pulitiko kung tutuusin," komento ng Pangulo.

"Kapag pulitiko ka dapat bawasan 'yung karapatan mo, dapat mas mataas 'yung scrutiny sa'yo, 'di ba? 'Pag papanatili ng magandang pangalan, 'pag sa pulitiko ka, mali [ang] dynasty," dagdag niya.

Kahit mula sa isang political clan ay tiniyak ni Aquino na lalagdaan niya ang panukala sa oras na lumusot ito sa Kongreso.
 

vuukle comment

ANTI-DYNASTY BILL

AQUINO

BOMBO RADYO

KAHIT

KAPAG

KAUGNAY

KONGRESO

KORTE SUPREMA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with