^

Bansa

Kalakhang Pinas uulanin dahil sa LPA sa Surigao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang buong bansa na may pulu-pulong pag-ulan dulot ng low pressure area (LPA), ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang LPA sa
500 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang alas-4 ng umaga.

Mababa naman ang tsansang tuluyan itong maging bagyo, ngunit inaasahang magdadala ito ng mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan sa Western at Central Visayas at Zamboanga Peninsula.

Maulap na kalangitan ang asahan sa Metro Manila, Central Luzon, Cagayan Valley, Bicol, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal ann Quezon) at Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan.

Kung tuluyang maging bagyo ang LPA ay pangangalanan itong "Kanor."

Tatlo hanggang apat na bagyo ang inaasahan ng PAGASA na papasok sa Philippine Area of Responsibility sa Setyembre.

vuukle comment

BATANGAS

BICOL

CAGAYAN VALLEY

CENTRAL LUZON

CENTRAL VISAYAS

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

METRO MANILA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

ZAMBOANGA PENINSULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with