^

Bansa

Pagbuo ng Code of Transportation and Commuter Safety, itinutulak ni Marcos

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos sa kanyang kap­­wa mga senador na muling pag-aralan ang ilang transportation laws upang mabuo ang Code of Transportation and Commuter Safety.

Ayon kay Marcos, nais lamang niyang masiguro ang  kaligtasan ng mga commuters at pasahero maging ito man ay by land, air o pandagat.

Sinabi ni Marcos na hindi umano sapat ang provisions para sa  kaligtasan ng mga commuters na nakasaad sa Articles 1755-1763 ng New Civil Code of the Philippines.

Paliwanag ni Marcos, panahon na upang magkaroon ng speci­fic legal provisions upang malaman ng mga pasahero ang kanilang mga karapatan at mga safety measures na dapat na gawin ng mga  transport company.

Naniniwala si Marcos na panahon na upang magbuo ang pamahalaan ng batas para sa mga commuter-friendly infrastructures na magbibigay din ng maayos na serbisyo sa publiko.

Bahagi ng batas ay ang regular na maintenance checks at ang pagpapataw ng parusa at pagbabayad ng danyos ng mga transport utility na lalabag sa batas.

vuukle comment

AYON

BAHAGI

BONGBONG

CODE OF TRANSPORTATION AND COMMUTER SAFETY

FERDINAND

NANINIWALA

NEW CIVIL CODE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with