^

Bansa

Masa pinupulsuhan na sa term extension ni PNoy

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinokonsulta na ng ilang kongresista ang kanilang mga nasasakupan kaugnay sa Charter Change (Chacha) para sa posibilidad ng re-eleksyon ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Pasig City Rep. Roman Romulo na miyembro ng Liberal Party (LP), ito ay bilang pagha­handa umano para maaga niyang malaman ang pulso ng publiko sa kanyang distrito at ang resulta nito ay maipiprisinta niya sakaling magkaroon ng caucus ang mga kongresista sa naturang isyu.

Nilinaw naman ni Romulo na kusa niya ang konsultasyon at hindi utos ng liderato ng Kamara o ng kanilang partido.

Maging si Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga ay nakatakda rin konsultahin ang kanyang constituents sa nasabing usapin.

Subalit gagawin lamang umano ito ni Barzaga kapag mayroon ng official stand ang kanilang partido sa National Unity Party (NUP) sa isyu ng Chacha para sa term extension ng Pangulo.  

vuukle comment

CHACHA

CHARTER CHANGE

ELPIDIO BARZAGA

LIBERAL PARTY

NATIONAL UNITY PARTY

PANGULONG AQUINO

PASIG CITY REP

ROMAN ROMULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with