^

Bansa

Human error sanhi ng MRT accident - Abaya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - ‘Human error’ ang itinuturong dahilan ng pagkadiskaril ng isang tren ng Metro Rail Transit sa EDSA-Taft sa Pasay City noong Agosto 13.

Dahil dito, sinabi ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya na sasampahan nila ng kasong administratibo ang dalawang driver ng MRT-3 gayundin ang control center personnel on duty nang maganap ang aksidente.

Ayon kay Abaya, lumitaw sa imbestigasyon ng binuong investigating panel na hindi sinunod ng mga driver ang tamang procedure nang magkaroon ng technical problem ang isa sa mga tren at itulak ng isa pa.

Matatandaang na-detached o kumalas ang distressed train mula sa assisting train na nagtutulak dito, sanhi upang tuluy-tuloy na umusad ito hanggang sa bumangga sa isang konkretong safety barrier sa huling istasyon ng linya.

Natuklasan ding wa­lang proper coordination sa pagitan ng driver ng distressed train at driver ng assisting train, gayundin sa naka-duty na control center personnel nito na nagresulta sa aksidente.

Hindi rin humingi ng approval mula sa driver ng distressed train ang driver ng assisting train, na nagsagawa ng coupling sa dalawang tren, at ginawang manu-mano ang pagdudugtong sa dala­wang tren na siyang dahilan nang pagkalas nito.

Batay naman sa data na nakuha mula sa black box ng tren, lumampas rin sa itinatakdang 15 kilometer per hour (kph) speed limit ang bilis ng pagtutulak sa distressed train at umabot ito ng 40 kph.

Kaugnay nito, pag-aaralan ng DOTC ang posibilidad na maamyendahan ang mga polisiya sa mga panahong may emergency situation, tulad na lamang kung magkaaberya ang isang tren sa pagitan ng dalawang istasyon, dapat ay kaagad na lamang pababain ang mga pasahero nito at aalalayan na lamang sa paglalakad sa riles patungo sa pinakamalapit na istasyon.

Darating sa Lunes ang mga kinatawan ng MRT Hong Kong upang mag-inspeksyon. 

vuukle comment

ABAYA

AGOSTO

AYON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

HONG KONG

METRO RAIL TRANSIT

PASAY CITY

SECRETARY JOSEPH EMILIO ABAYA

TRAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with