Gobyerno takot gumastos, baka makasuhan – Drilon
MANILA, Philippines – Takot gumastos ang gobyerno dahil baka makasuhan ng Korte Suprema, ayon kay Senate President Franklin Drilon ngayong Martes.
Sinabi ni Drilon na ito ang epekto ng deklarasyon ng mataas na hukuman laban sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).
"Takot na takot ngayon ang burukrasya at baka masampahan sila ng kaso because of the decision on the DAP. Whether you like it or not, the DAP (ruling) had a chilling effect on the government expenditure program," wika ng senador sa pagdinig ng Senate finance committee, kung saan naroon din sina Budget Secretary Florencio Abad at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan.
Hinamon ni Drilon ang mga kawani ng gobyerno na gumastos para sa mga proyekto na hindi nasasagasaan ang desisyon ng korte.
Dagdag niya na lubhang bumaba ang paggastos ng gobyerno mula nang ideklara ng Korte Suprema na hindi naaayon sa Saligang Batas ang ilang bahagi ng DAP.
Ipinaliwanag ng Senate President na noong unang tatlong buwan ng 2013 ay lumago ang government expenditures ng 10 porsiyento ngunit mula nang pumutok ang isyu ng DAP ay bumaba ito sa dalawang porsiyento sa kaparehong panahon ng 2014.
"The challenge therefore to our economic managers should be how to comply with the final decision of the Supreme Court but at the same time, accelerate government spending in the next three or two quarters," sabi ni Drilon.
"We have enough revenues but we are not spending well," dagdag niya.
Layunin ng DAP na mapabilis ang pagpapatupad ng ibang mga proyekto sa pagkuha ng sobrang pondo sa ibang ahensya.
- Latest