^

Bansa

Paolo Bediones nagpasaklolo sa PNP sa sex video scandal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang inabot na kahihiyan, nagpasaklolo na si TV 5 news anchor Paolo Bediones sa PNP Anti-Cybercrime Division sa Camp Crame upang matigil na ang pagkalat ng kaniyang sex video sa social networking sites.

Sa kaniyang instagram, ibinunyag ni Bediones na mayroon umanong taong nambla-blackmail sa kanya.

Si Bediones ay nagtungo kamakalawa ng gabi sa PNP-ACD upang humingi ng tulong na huwag ng kumalat pa ang kaniyang sex video at maaresto ang taong nasa likod ng pambla-blackmail sa kanya para panagutin ito sa batas.

“Hawak ko ngayon ang mga sex videos mo, madali naman akong kausap. Kung ayaw mo itong lumabas sa publiko tawagan mo ako. Antayin ko ang tawag mo, wag mo ng patagalin pa, mainipin ako”, text kay Bediones ng nambla-blackmail sa kaniya na ipinoste nito sa kaniyang instagram.

Ayon kay Bediones, tinatakot siya ng nasabing namba-blackmail na ilalabas ang iba pa niyang sex video.

Magugunita na Hulyo 27 ay kumalat sa social networking sites ang sex video ni Bediones.

Bunga nito ay naging trending din ang pangalan ni Bediones sa twitter at facebook matapos na maging viral ang kaniyang sex video.

Una na ring itinanggi nina China Roces at He­len Grace Garbo Gonzales kapwa nagkaroon ng kaugnayan sa TV host na sila ang katalik nito sa sex video.

Bago naging anchor sa TV 5 ay dati ring naging host si Bediones sa Survivor Philippines at Extra Challenge sa GMA 7.

Nangako naman ang mga opisyal ng PNP-ACD na gagawin ang lahat upang mapanagot sa batas ang taong nasa likod ng pag-upload sa sex video ni Bediones at ma­ging ang namba-blackmail dito.

vuukle comment

ANTI-CYBERCRIME DIVISION

BEDIONES

CAMP CRAME

CHINA ROCES

EXTRA CHALLENGE

GRACE GARBO GONZALES

PAOLO BEDIONES

SEX

SI BEDIONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with