^

Bansa

PNoy, pinuri ang zero casualty ng Albay

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinuri ni Pangulong Aquino ang Albay sa katatapos niyang ika-5 State of the Nation Address (Sona) dahil sa ‘zero casualty record’ ng lalawigan nang salantain ito kamakailan ni Typhoon Glenda.

Ayon sa Pangulo, ang zero casualty ng Albay laban kay Glenda ay isang “most noteworthy feat of a local government unit in disaster risk reduction.” Mahigit 100 ang iniwang patay ni Glenda sa ibang bahagi ng bansa.

“Kung ang isang lalawigan katulad ng Albay na nasa gitna ng highway ng malulupit na bagyo ay nagagawa ito (zero casualty), walang dahilan para hindi rin ito magawa ng ibang LGU (local government units) madiing ipinahayag ni Aquino sa kanyang Sona.

Nasa kalahatian ang Pangulo sa kanyang Sona nang pasalamatan niya si Albay Gov. Joey Salceda dahil sa mabilis niyang pagkilos nang manalasa si Glenda na binugbog ang lalawigan sa loob ng walong oras noong ika-16 ng Hulyo. Umabot sa 180 kph ang center winds nito.

Ayon kay Salceda ang zero casualty score nila ay bunga ng kanilang “preemptive evacuation strategy” na kinailangang ilipat sa ligtas na mga evacuation centers ang mga 101,000 pamilya bago pa humagupit si Glenda. Walang namatay sa Albay ngunit nagtamo ito malawakang kapinsalaan na tinatayang higit pa sa P9.1 bilyon ang halaga, at mga 98,000 pamilya ang nawalan ng bahay.

Sa kanyang Sona, ini­ulat din ni Aquino na isinasakatuparan na ngayon ng pamahalaang nasyunal ang “technology-driven DRR programs” sa ilalim ni Project Noah, para sa mabisa at mabilis na “di­saster warning system” at monitoring ng malalakas na pag-ulan at biglaang baha.

Ang mga DRR programs, kasabay ng mabilis na pagkilos ng mga LGU officials, gaya ni Gov. Salceda ay makapagliligtas ng maraming buhay sa panahon ng kalamidad, diin ng Pangulo.

vuukle comment

ALBAY

ALBAY GOV

AQUINO

AYON

GLENDA

JOEY SALCEDA

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with