Approval, trust rating nina PNoy at Binay sadsad
MANILA, Philippines - Bumagsak ng 14 percent ang approval rating ni Pangulong Aquino sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Nakakuha na lamang ng 56 percent mula sa dating 70 percent approval rating si Pangulong Aquino sa survey nitong June 24-July 2 sa 1,200 respondents.
Maging ang trust rating ni PNoy ay lumagapak din sa 53 percent mula sa dating 69 percent trust rating nito.
Inilabas ng Korte Suprema ang desisyong 13-0-1 na nagdedeklarang unconstitutional ang pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP) noong July 1 kaya nakapaloob ito ng isagawa ng Pulse Asia ang kanilang pinakahuling survey.
Maging si Vice-President Jejomar Binay ay bumaba din ang approval at trust rating sa pinakahuling survey ng Pulse Asia gayundin sina Senate President Franklin Drilon at Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Bagama’t bumagsak ang approval rating ng Pangulo ay itinuturing pa rin ng Malacañang na mataas ito dahil mahigit 50 percent pa rin ang nagtitiwala kay PNoy.
- Latest