^

Bansa

‘Troop movement’ sa MM ikinaalarma

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naalarma ang netizens kahapon sa senaryo ng mga tangke at mga truck ng militar na nakita ang presensya sa Metro Manila sa gitna na rin ng ibinulgar ni Sen. Antonio Trillanes na planong kudeta umano laban sa administrasyon ni Pangulong Aquino.

Agad kumalat sa mga social networking sites tulad ng Twitter, Facebook at Instagram na may ‘troop movements’ na umano sa Metro Manila kaugnay ng isyu sa kudeta.

Sa pahayag naman ni AFP spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, nilinaw nito na awtorisado ang presensya ng nasabing tangke at mga escort nitong truck ng militar kaugnay ng pagbibiyahe sa ‘mission essential equipment” o mga armas ng AFP.

Ayon kay Zagala, normal lamang na eskortan ang mga ‘critical items’ kapag ibinibiyahe ito ng tropa ng militar.

Gayunman, ilang opis­yal naman ng AFP na tu­mangging magpabanggit ng pangalan ang nailing na lamang sa nasabing paliwanag sa pagsasabing biglaan ang paghahatid ng mga supply sa AFP General Headquartes na pinalalakas ang kanilang stocks ng firepower upang umano’y paghandaan ang pagdedepensa sa Palasyo ng Malacañang sa gitna na rin ng umano’y planong kudeta.

“They should tell that to the Marines,” anang opis­yal na sa halip umanong ibiyahe sa field ang mga armas ay dinadala ito sa main headquarters ng AFP sa Camp Aguinaldo at Philippine Army sa Fort Bonifacio, Makati City.

Dalawang convoy ng military trucks galing sa AFP Northern Luzon at Southern Luzon Command ang ineskortan ng mga Armored Personnel Carrier (APC) na may mga dalang armas at mga bala patungo sa ASCOM (Area Support Command) ng Philippine Army.

“It was a logistics run. The movement has a clearance. They are already in Tarlac,” ayon kay Army spokesman Lt. Col. Noel Detoyato.

Humingi naman ng paumanhin si Zagala sa pagkaalarma ng publiko sa nasabing pagbibiyahe ng mga ‘critical items’ ng AFP.

vuukle comment

AFP

ANTONIO TRILLANES

AREA SUPPORT COMMAND

ARMORED PERSONNEL CARRIER

CAMP AGUINALDO

FORT BONIFACIO

METRO MANILA

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with