PNoy parang si Jesse Robredo noong SONA – Leni
MANILA, Philippines — Tumaas ang balahibo ni Camarines Sur Rep. Maria Leonor "Leni" Robredo at ng kanyang mga anak habang pinapanood ang panlimang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III nitong kamakalawa.
Sinabi ni Robredo sa kanyang Instagram account na sa dulong parte ng talumpati ay parang naging katunog ni Aquino ang namayapa niyang asawa na si dating Interior and Local Government secretary Jesse Robredo.
"The President said a lot of things toward the end of his speech that sounded a lot like it was Jesse speaking. My girls and I are all in agreement kaya nakakapangilabot," wika ni Robredo.
Pinanood ng mga Robredo ang replay ng SONA dahil isa sa anak ng kongresista ay hindi ito napanood ng live.
"Here she is, at midnight, watching the replay of the President's speech on TV and crying her heart out," nakasaad bilang caption ng larawan.
Nasawi si Jesse noong Agosto 2012 sa Masbate matapos bumagsak ang sinasakyan niyang eroplano.
Pinuri ni Aquino ang namayapang kalihim na aniya'y nakagawa ng mga imposibleng bagay.
"We wish for things to be this way or that. But Jesse, he did all of those already. If you have any doubts that we can do it, he did it. Those who say that it is impossible to do, Jesse did it," sabi ng Pangulo noong unang anibersaryo ng pagkamatay ni Jesse.
- Latest