^

Bansa

Loyal bashers ni Nancy nabuhay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na ikinagulat ni Sen. Nancy Binay ang mga panglalait na natanggap sa mga netizens kaugnay sa isinuot niyang damit sa pagbubukas ng sesyon ng Senado kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Binay, hindi na bago ang natanggap niyang ‘bashing’ at mabuti rin aniya na nabuhay na naman ang mga loyalista niyang “bashers”.

“What’s new di ba? Syem­pre life ko won’t be fun without the bashing. Okay lang yun , at least nabuhay na naman yung mga loyal bashers ko,” sabi ni Binay sa panayam sa telepono.

Nag-trending ang suot na damit kamakalawa ni Binay na ikinumpara ng ilan sa hot air balloon.

Sabi ni Binay, hindi naman siya na-offend at ang mahalaga aniya ay kung ano talaga ang kanyang gusto. Dapat aniya ay mag-move on na ang lahat at huwag ng isama sa problema ng bansa ang isinuot niyang damit.

Nagbiro pa si Binay na dapat ay nagpunta siya sa Clark sa Pampanga kung saan sikat ang lugar sa mga lumilipad na hot air balloon.

Paliwanag ni Binay na ang suot niyang damit ay Barong Tagalog na may bubble skirt na gawa ni Randy Ortiz.

Pero hindi lamang umano si Randy Ortiz ang nag-isip ng kanyang damit kung hindi “joint effort” kung saan nagbigay din siya ng input.

Inamin ni Binay na may tali ang kanyang palda na hindi niya nahugot kaya nagmukha itong bubble skirt. Nahihiya umano si Binay kay Ortiz dahil na­damay pa ito sa mga pang­lalait gayong siya ang may kasalanan.

Tinawagan na umano ni Binay si Ortiz para mag-apologize.

vuukle comment

AYON

BARONG TAGALOG

BINAY

DAPAT

INAMIN

NANCY BINAY

ORTIZ

RANDY ORTIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with