^

Bansa

12.1 M Pinoy mahirap pa rin - SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 12.1 mil­yong pamilyang Pilipino ang naniniwalang sila ay naghihirap.

Batay ito sa latest survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) noong nakalipas na Hun­yo 27 hanggang Hunyo 30 kung saan 55 percent ng kanilang tinanong na pamilyang Pinoy ay nagsabing mahirap sila.

Ang naturang bilang ay mas mataas ng 2 percent sa 53 percent ng may 11.5 milyong pamilyang Pilipinong naghihirap noong unang quarter ng 2014.

Bunga nito, lumalabas na halos 600,000 pamilya ang nadagdag na bilang ng mga mahihirap sa bansa sa loob lamang ng tatlong buwan.

Sa survey, may 41 per­cent naman ng mga tinanong na pamilya o 9 milyong pamilya ang nagsasabing halos wala silang makain.

Mas mataas ito kung ikukumpara noong unang quarter ng 2014 na umaabot sa 39 percent ang nagsabing hirap sila sa pagkain.

May 1,200 pamilyang Pilipino ang respondents ng naturang latest survey.

Ang resulta ng survey ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA nitong Lunes na may halos 2.5 milyong Pilipino na ang nakaalpas sa kahirapan.

Sa talumpati, ma­tatandaang kasama sa mga ipinagmalaki ni PNoy ang Expanded Conditional Cash Transfer Program at ang pagbaba anya ng antas ng kahirapan. (Dagdag ulat ni Rudy Andal)

 

vuukle comment

BATAY

BUNGA

DAGDAG

EXPANDED CONDITIONAL CASH TRANSFER PROGRAM

HUNYO

PANGULONG AQUINO

PILIPINO

RUDY ANDAL

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with