^

Bansa

Manggagawang pumasok ng Hulyo 27 at 29 may dagdag na suweldo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng  Department  of  Labor  and Employment (DOLE)  na makakatanggap ng dagdag suweldo o bayad ang  mga manggagawa na pumasok sa trabaho noong Hulyo 27 at  ngayon  Hulyo 29.

Batay sa labor pay rules, kapag regular holidays, bawat manggagawa na magre-report sa trabaho ay makakatanggap ng double pay para sa unang walong oras sa kanilang trabaho habang makakatanggap ng 30% na dagdag kapag excess na sa walong oras.

Habang ang mga manggagawa na dapat naka-day off subalit pumasok sa trabaho ay makakatanggap naman ng 230% na bayad sa loob ng walong oras habang dagdag na 30% sa excess na oras.

Ang mga manggagawa naman na hindi magtratrabaho sa naturang mga araw ng holiday ay makakatanggap pa rin ng regular daily rate o arawang bayad.

Ayon pa sa DOLE, may karagdagang 30% sa kanilang regular daily pay ang mga mangaggawa na papasok ngayong araw.

Idineklara ng Malakanyang   na isang special non-working holiday  ang  Hulyo 27 bilang paggunita sa ika-100th anniversary ng Iglesia Ni Cristo (INC) habang ang   Hulyo 29 naman ay isang regular holiday  ng  Eid al Adha.

 

vuukle comment

ADHA

AYON

BATAY

EID

HABANG

HULYO

IDINEKLARA

IGLESIA NI CRISTO

KINUMPIRMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with