^

Bansa

Pulitika, isantabi na muna - Drilon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela kahapon si Senate President Franklin Drilon sa mga kasama­hang senador na isantabi na lang muna ang pulitika sa halip ay sama-samang magtrabaho upang maibangon ang Senado mula sa iba’t ibang kontrabersiya na kinaharap nito.

Ayon kay Drilon naka­tuon na naman ang mga mata ng taumbayan sa Senado sa pagbubukas ng sesyon.

Sinabi ni Drilon na isang oportunidad ang pagbubukas ng sesyon at ang mga susunod na araw para maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa Senado.

Naniniwala si Drilon na bagama’t  hindi madali, malalampasan rin nila ang kanilang mahirap na pinagdadaanan.

Ayon kay Drilon nalulungkot siya sa mga pangyayari sa Senado at sa mga ibinatong batikos ng publiko.

Hinikayat din nito ang mga kasamahang senador na manatiling matatag sa gitna ng mga batikos pero hindi aniya dapat maging kampante at hayaang mabastos ang Senado bilang isang institusyon.

Tiniyak din ni Drilon na magiging prayoridad ng Senado ang pagpasa ng mga panukalang batas na magpapasigla ng ekonomiya.

 

vuukle comment

AYON

DRILON

HINIKAYAT

NANINIWALA

SENADO

SINABI

TINIYAK

UMAPELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with