^

Bansa

SONA sagot sana sa kahirapan - solon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa si House Independent Minority Bloc Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na magiging kasagutan sa kahirapan ng mga Filipino ang nilalaman ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino ngayong hapon.

Ayon kay Romualdez, panahon na para malaman ng publiko kung paano mareresolba ng gobyerno ang iba’t ibang problemang kinakaharap ng bansa at hindi lamang ang puro paninisi sa nagdaang administrasyon.

Tapos na umano ang panahon ng sisihan dahil hindi naman umano ito nakakatulong at sa halip ay nakakapagpalala pa ng problema.

Dahil dito kaya nanawagan si Romualdez kay Pangulong Aquino na dapat ituon nito ang nalalabing dalawang taon ng kaniyang administrasyon sa kung paano pagagaangin ang buhay ng mga Pinoy.

Kabilang sa dapat umanong pagtuunan ng Pangulo ang lumalalang krisis sa kuryente, na sa halip na solusyunan sa loob ng nagdaang apat na taon ay lalo itong lumala at walang pinapanagot si PNoy.

Bukod pa umano rito ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin na isinisisi sa mga hoarders at mapagsamantalang negosyante ngunit wala naming nakakasuhan ang gobyerno.

Gayundin ang mga biktima ng supertyphoon Yolanda na hanggang ngayon ay nasa miserable pang pamumuhay walong buwan matapos ang naturang bagyo.

Bukod dito patuloy din umanong tumataas ang walang trabaho at underemployed at ang kahirapan ay patuloy na lumalawak nang walang aksyon mula sa gobyerno.

vuukle comment

AYON

BUKOD

DAHIL

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

GAYUNDIN

HOUSE INDEPENDENT MINORITY BLOC LEADER

LEYTE REP

PANGULONG AQUINO

ROMUALDEZ

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with