^

Bansa

1.5M dumagsa sa INC anniv.

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 1.5 milyong indibidwal ang dumagsa sa Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan para sa selebrasyon ng ika-100 anibersaryo ng Iglesia ni Cristo, kahapon.

Alas-6:00 Linggo ng umaga nagsimula ang ka­nilang pagsamba sa pa­ngunguna ni Executive Minister Eduardo Manalo sa loob ng Philippine Arena.

Bago ito, alas-12 ng hatinggabi ay sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng fireworks display na sinaksihan ng mga miyembro ng INC na nauna nang nagpunta sa lugar.

May ilan sa mga ito ang piniling manatili at mag-tent sa labas ng arena sa pag-asang makapasok dahil pawang mga may tiket lamang ang maaring makapasok sa 55,000-seating capacity ng arena ang pinayagan.

Sa dami ng miyembrong nakiisa, nagkabuhol-buhol ang trapik sa kahabaan ng NLEX papasok ng Marilao-Bocaue.

Mayroong naglakad na lamang patungo sa Ciudad de Victoria habang ang ilan sa mga miyembro na naipit sa trapik ay nagkaroon ng pagkakataong magnegos­yo tulad ng pagbebenta ng mga pagkain sa mga motorista.

Samantala, hindi naman naialis na marami sa mga dumalo ang sumama ang pakiramdam. Base sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa 158 katao ang nabigyan nila ng first aid matapos makaranas ng pagkahilo dala ng gutom, lagnat at pananakit ng katawan dahil sa paglalakad ng malayo.

Alas-9 na ng umaga nang magsimulang magsipag-uwian ang mga dumalo matapos ideklara ang pagkakatatag nito.

Sabi ng PNP, naging mapayapa naman sa kabuuan ang nasabing selebrasyon.

vuukle comment

BOCAUE

BULACAN

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CRISTO

EXECUTIVE MINISTER EDUARDO MANALO

LINGGO

MARILAO-BOCAUE

PHILIPPINE ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with