^

Bansa

2 patay sa road mishap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi habang isa pa ang nasugatan sa magkakahiwalay na insidente ng sakuna sa Cortes, Surigao del Norte at San Jose, Batangas kamakalawa.

Sa ulat ng CARAGA Police, dakong ala-1 ng hapon nang mahulog sa kanal ang isang rumaragasang motorsiklong Honda Wave sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Balibadon, Cortes, Surigao del Norte.

Sa nasabing insidente ay nasawi ang backrider na si Edcharie Pabalate, 21, na idineklarang dead on arrival sa Adela Serra Hospital sanhi ng grabeng sugat na tinamo sa kaniyang katawan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang driver ng motorsiklong walang plaka na si Ernest Sarsuelo, 24.

Sa imbestigasyon, nakatulog ang driver ng motorsiklo dahil sa matinding puyat  na nagbunsod sa malagim na sakuna.

Iniulat naman ng Batangas Police ang pagkasawi ng biktimang si Joasephine Ramos makaraang mabangga ng humahagibis na Izusu passenger jeepney (DXP 222 ) ang motorsiklo nitong Yamaha Mio 5575 habang bumabagtas sa national highway ng Brgy. Calansayan, San Jose ng lalawigan.

Ayon kay Chief Inspector Oliver Ebora, hepe ng San Jose Police hindi umano nagawang iwasan ng driver ng jeepney na si Celio Pagcalinawan ang motorsiklo ng biktima sa bilis ng pangyayari.

Nagawa pang maisugod sa San Jose District Hospital ang biktima pero namatay din.

vuukle comment

ADELA SERRA HOSPITAL

BATANGAS POLICE

BRGY

CELIO PAGCALINAWAN

CHIEF INSPECTOR OLIVER EBORA

EDCHARIE PABALATE

ERNEST SARSUELO

HONDA WAVE

JOASEPHINE RAMOS

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with