^

Bansa

Senate hearing sa DAP binira nina Jinggoy, Bong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binatikos kahapon ng nakakulong na sina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla ang tila pagdepensa ng ilang senador kay Budget Secretary Butch Abad na humarap sa imbestigasyon ng Senado sa kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Pinanood umano ni Estrada ang buong pagdinig at maliwanag ang ginawang pagtatanggol ng ilang senador sa DAP.

Hindi na umano mas­yadong nahirapan si Abad at ang tanging ginawa na lang ay sumang-ayon sa sinasabi ng ilang senador dahil ang mga ito na ang mistulang nagpaliwanag para sa kalihim.

Tinawag din ni Estrada na ‘scripted” ang nasabing hearing na ang layunin lamang aniya ay malinis ang Malacañang sa isyu.

Ayon naman kay Revilla, nakakalungkot ang matamlay na pagbibigay pansin ng ilang senador sa isyu ng DAP at pagdepensang ginawa para kay Abad.

Sinabi ni Revilla na lan­taran ang ginagawang pagkakampihan ng Malacañang at mga kaalyadong senador pero umaasa umano siya na lalabas pa rin ang katotohanan.

vuukle comment

ABAD

AYON

BONG REVILLA

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

MALACA

REVILLA

SENATORS JINGGOY ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with