Enrile suspendido sa Senado
MANILA, Philippines – Sinuspinde na ng Sandiganbayan si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa Senado na nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.
Inilabas ng third division ng anti-graft court ang kanilang desisyon ngayong Biyernes, kung saan 90-araw mawawala sa puwesto ang senador.
Nagktaon namang pinalipat din ng Sandiganbayan sa normal na kulungan ang itinuturong mastermind na si Janet Lim-Napoles mula sa Laguna.
Kaugnay na balita: Napoles ipinapalipat sa normal na kulungan
Nag-ugat ang desisyon ng korte sa hiling ng Office of the Ombudsman na suspendihin muna sa puwesto si Enrile dahil sa posibilidad na maimpluwensiyahan niya ang resulta ng imbestigasyon.
"It is presumed that unless accused is suspended and prevented from discharging official acts, he may frustrate his prosecution and commit further acts of malfeasance," nakasaad sa mosyon.
Bukod kay Enrile, hiniling din ng Sandiganbayan na masuspinde ang iba pang akusado na sina Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr.
- Latest