Walang kudeta vs PNoy – AFP
MANILA, Philippines - Malabong magresulta sa kudeta o pag-aaklas ng mga sundalo laban sa administrasyon ni Pangulong Aquino ang isyu ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).
Ito ang tiniyak kahapon ng bagong upong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Pio Gregorio Catapang Jr., na naglibot kahapon sa himpilan ng Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy.
Ayon kay Catapang, walang puwang ang military adventurism sa AFP sa ilalim ng kaniyang pamumuno laban sa gobyernong Aquino.
Sinabi ni Catapang na sa kasalukuyan, ang dapat na harapin ay ang mas malalaking problema tulad ng mga isyung pandaigdigan.
Ipinalabas din ni Catapang ang kaniyang kauna-unahang marching order sa mga sundalo na dapat asintado, disiplinado at bawal ang abusado.
Binigyang diin ni Catapang na walang sinuman sa mga sundalo ang dapat maligaw ng landas.
- Latest