Jinggoy hindi pa suspendido
MANILA, Philippines - Sa gitna ng nalalapit na pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Lunes, nilinaw kahapon ni Senate President Franklin Drilon na ipatutupad lamang ng Senado ang suspension order ng Sandiganbayan laban kay Senator Jinggoy Estrada matapos ang 15 araw na palugit para sa paghahain ng senador ng motion for reconsideration.
Ayon kay Drilon, natanggap na ng Senado noong nakaraang Biyernes ang order ng Sandiganbayan na nag-uutos na suspendihin si Estrada na maaring ipatupad kaagad maliban na lamang kung maghahain ng motion for reconsideration ang senador.
Ayon kay Drilon kikilos ang Senado at sususpendihin si Estrada sa sandaling maglabas ng desisyon ang Sandiganbayan sa ilhahaing motion for reconsideration.
Ayon naman kay Atty. Alexis Abastillas-Suarez, spokesperson ni Estrada, inihahanda na nila ang kanilang ihahaing motion for reconsideration.
Kasalukuyang nakakulong ngayon si Estrada dahil sa kasong plunder matapos makaladkad sa isyu ng pork barrel fund scam.
- Latest