^

Bansa

PNoy bumuwelta sa SC sa isyu ng DAP

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binuweltahan kahapon ni Pangulong Aquino ang Korte Suprema na gumawa rin umano ng “cross-border transfer” noong 2012 sa kainitan ng isyu sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa kanyang talumpati sa ika-150 kaarawan ng bayaning si Apolinario Mabini sa Batangas, sinabi ng Pangulo na noong Hul­yo 2012 ay naglaan ang Korte Suprema ng P1.865 bilyon para dagdagan ang pondong pampagawa ng Manila Hall of Justice na dapat anya ay proyekto ng Ehekutibo dahil nakailalim ang budget nito sa Department of Justice.

“Malinaw po. Ang pera ng hudikatura, inilaan nila para sa proyektong ehe­kutibo dapat ang gumagawa,” wika ng Pangulo sa kanyang mensahe.

Isiniwalat pa ni PNoy noong 2012 din ay may P100 million budget ang DOJ para sa Manila Hall of Justice subalit sumulat ang SC sa DBM kung saan ay hiniling nitong ilipat sa budget ng judiciary department para sa pagpapatayo ng Malabon Hall of Justice.

“Ipinalilipat po nila ang mga pondo para maipatayo ang mga gusaling magbabahay ng mga korte. Wala naman po tayong nakikitang masama rito, dahil alam nating mapapabilis nito ang sistemang pangkatarungan sa bansa.

Pero agad umanong binawi ng SC ang kanilang hiling noong Disyembre 2013, kung kailan nagiging mainit na ang usapin ukol sa DAP.

“Pero malinaw na naman po sa mga halimbawang ito ang pagtatangkang magsagawa ng tinatawag nilang cross-border transfer, o ang paglalaan ng pondo mula sa isang sa­ngay ng gobyerno tungo sa ibang sangay,” giit pa ni Aquino.

Aniya, may batayan sa Administrative Code parti­kular ang section 38,39 at 49 ang paglikha ng gobyerno sa DAP na ginawa din naman ng nakaraang mga administrasyon.

Wika pa ni PNoy, dahil sa ginawang desisyong ito ng SC ay magkakaroon ito ng chilling effect kung saan ay muling babagal ang paghahatid ng serbisyo sa taumbayan.

Iginiit din ng Pangulo na wala itong balak na labagin ang pasya ng Korte Suprema pero dahil sa paniniwala nilang walang nilabag sa Konstitusyon ang DAP ay naghain sila ng motion for reconsideration sa High Tribunal.

vuukle comment

ADMINISTRATIVE CODE

APOLINARIO MABINI

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

HIGH TRIBUNAL

KORTE SUPREMA

MALABON HALL OF JUSTICE

MANILA HALL OF JUSTICE

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with