^

Bansa

Pinupulitika ako - VP Binay

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang makatotohanang batayan at kunektado lang sa halalang pampanguluhan sa 2016 na isa sa nakikitang kandidato ay si Vice President Jejomar Binay.

Ito ang naging reak­syon ni VP Binay sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya at sa isa niyang anak sa Ombudsman kamakalawa.

Sa kanyang talumpati sa Financial Executives of the Philippines at Management Association of the Philippines, isiniwalat ni Binay na ang mga naghain ng reklamo ay mga lokal na kalaban sa pulitika ng mga Binay sa Makati City na sinusuportahan ng isang kilalang grupo ng mga abogado na nagtatangkang buhayin ang mga kaso laban sa kanya na nadismis na noong araw ng korte.

Ipinahiwatig pa ni Binay na ang mga complainant ay merong regular na mga walang lamang isyu laban sa kanyang pamilya kapag panahon ng halalan.

“Hindi naiiba ang complaint na ito bagaman na­balitaan namin na, sa ngayon, ang mga lokal na kalaban namin sa pulitika ay nabigyan ng kinakaila­ngang sandata at pera ng ilang national interest group. Lalo na yaong isang grupo ng mga abogado na kunektado sa isang pambansang personalidad,” sabi pa ng Bise Presidente.

Hindi pinangalanan ni Binay ang grupo o ang mga taong sangkot dito na ayon sa kanya ay nagtatangkang buhayin ang mga nabasura nang kaso laban sa kanya.

Inaasahan din ni Binay na marami pang reklamo at isyung ipapalabas laban sa kanya sa darating na mga buwan.

“Simula lang ito, maniwala kayo. Marami pang darating. Tulad ng isinampa kamakalawa, walang katotohanan ang mga reklamong ito, walang ligal na batayan, at bunsod lang ng maruming pulitika,” sabi pa niya.

Sinabi pa ng Bise Presidente na layunin ng mga taong nasa likod ng reklamo na intrigahin sila ni Pangulong Aquino sa pamamagitan ng pamamalita na gawa ng Mala­kanyang ang kasong isinampa laban sa kanya.

“Parang merong malalim na adyenda rito. May nakapagsabi sa amin na yaong mga nagpapakana nito ay nais na intrigahin kami ng Pangulo. Nais nilang isipin ko na ang Palasyo ang may pakana ng pagsasampa ng mga walang basihang rekla­mong ito laban sa akin at sa aking anak para mailihis ang atensiyon mula sa impeachment complaint na isinampa laban sa Pa­ngulo,” sabi pa ni Binay.

vuukle comment

BINAY

BISE PRESIDENTE

FINANCIAL EXECUTIVES OF THE PHILIPPINES

LABAN

MAKATI CITY

MANAGEMENT ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

PANGULONG AQUINO

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with