^

Bansa

Parking fee sa mall, hotel, eskwelahan pinatatanggal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong ng dalawang mambabatas sa Kamara na pagbawalan ang paniningil ng parking fee sa shopping malls, paaralan, ospital, hotel at iba pang establisyamento.

Nakasaad sa House Bill 4298 nina Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao partlylist Rep.Maximo Rodriguez Jr. na dapat ay maging libre sa publiko ang parking area kung tatangkilikin naman nila ang lugar.

Sinabi ni Rodriguez na pinagsasamantalahan ng mga may-ari ng mga gusali ang kanilang mga parokyano sa paniningil ng parking fee kahit na tinatangkilik naman nila ang kanilang lugar.

Ilang malls ang naniningil ng P45 hanggang P50 para sa buong araw na paggarahe, habang ang iba ay P40 para sa unang tatlong oras at may karagdagang halaga na sa bawat oras na makokonsumo.

“There is a need for us to regulate the imposition of parking fees by all establishments, whether public or private, thereby making it free of charge if proven that the person has made a purchase or have availed of the services provided by said establishment, as evidenced by his receipt or the proper validation,” wika ni Rodriguez.

“Otherwise, the establishment can charge the consumer with high parking fees considering that he simply used the parking space without patronizing the establishment.”

Kung sakaling tuluyang maging batas ay pagmumultahin ng P100,000 ang may-ari ng gusali para sa bawat sisingilin nilang mga sasakyan.
 

vuukle comment

ABANTE MINDANAO

HOUSE BILL

ILANG

ISINUSULONG

KAMARA

MAXIMO RODRIGUEZ JR.

NAKASAAD

ORO CITY REP

PARKING

RUFUS RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with