^

Bansa

1,600 sako ng NFA rice nawawala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan na ngayon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang misteryosong pagkawala ng 1,600 sako ng bigas sa bodega ng National Food Authority (NFA) sa Agusan del Sur.

Nabatid na humingi ng tulong kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang Regional Director ng NFA sa Caraga Region at ipinabatid dito ang anomalya sa pagkawala ng aabot sa 1,600 bigas ng NFA sa bodega nito sa Bayugan City ng lalawigan.

Una rito, noong Hulyo 18, 2014 ay nagsagawa ng pag-iinspeksyon ang Caraga-CIDG operatives kasama ang mga opisyal ng NFA sa kanilang bodega sa Agusan del Sur kung saan nasa 9,000 sako ng bigas ng NFA ang nasa loob ng imbakan nito sa Bgy. Poblacion ng lungsod.

Sa nasabing pag-iinspeksyon ay nadiskubre na pinapalitan ang mga ini-stock na bigas ng 133 piraso ng ‘wooden pallet’ sa gitnang bahagi ng bodega na tinakpan ng walang lamang sako sa ibabaw nito.

Sa inisyal na pag-iim­bestiga ni Cale sa supervisor ng bodega ng NFA na si Melvin Pacana, inamin nito na inilabas nila ang nasa 1,600 sako ng bigas ng NFA na nagkakahalaga ng P2.4 M sa kabila ng wala itong permiso.

vuukle comment

AGUSAN

BAYUGAN CITY

CARAGA REGION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

MELVIN PACANA

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NFA

REGIONAL DIRECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with