^

Bansa

Solo Parents Act hihilinging ng QC na maamyendahan para sa dagdag na benepisyo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hihilingin ni Quezon City  Mayor Herbert Bautista ang pag-amyenda sa Republic Act 8972  o ang  Solo Parents’ Welfare Act of 2000 upang magkaroon ng oportunidad at madagdagan ang benepisyung  maipagkakaloob ng batas para sa  lahat ng solo parents sa bansa.

Binigyang diin ni Bautista na kailangan na mapag-aralan ng husto ang batas upang mapunan ang mga kailangan pang maibigay na tulong sa  bawat solo parents kasama na  ang mga solo parents na may mga kapansanan.  Sa ilalim ng  Solo Parents’ Welfare Act of 2000, nagbibigay ito ng kaukulang livelihood development services, counseling services, educational benefits, housing benefits, medical assistance at iba pang mga programa na sumusuporta sa mga solo parents.

Sa QC, nag-adopt ang lungsod ng ordinance 1107 na humihikayat sa mga solo parents na magparehistro sa kanilang barangay upang matumbok ang iba pang kailangang maitulong ng lokal na pamahalaan sa kanila para sa ikagaganda ng kanilang buhay.

Para mapabuti ang pamumuhay ng mga solo parents sa lungsod, nais ni Bautista na matiyak na nakakarating sa kanila ang serbisyo sa mga solo parents kasama na ang paglalan sa mga ito ng vocational at soft trade trainings sa cosmetology, hotel and restaurant management, small income generating activity, counseling, educational assistance, including providing referrals for scholarship grants to the Commission on Higher Education (CHED) at Scholarship for Youth Development Program (SYDP) ng lunsod.    

Mayroon ding naipagkakaloob na Philhealth coverage ang lokal na pamahalaan sa mga solo parents. Upang higit na matulungan ang mga solo parents na makapamuhay ng maayos, nagkaloob si QC Vice Mayor Joy Belmonte ng tig- P10,000 magagamit na puhunan sa maliit na negosyo sa ilalim ng programang “Tindahan ni Ate Joy”. Mula noong June 2003  hanggang  June 2014, ang  social services development departments lungsod ay nakapagrehistro na ng may 10,855 solo parents o kabuuang  10,375 na mga kababaihan.

 

vuukle comment

ATE JOY

BAUTISTA

HIGHER EDUCATION

MAYOR HERBERT BAUTISTA

PARENTS

SOLO

SOLO PARENTS

WELFARE ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with