^

Bansa

Binay No. 1 pa rin sa Pulse Asia survey sa presidential

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na nangu­nguna si Vice President Jejomar Binay sa survey na isinagawa ng Pulse Asia sa mga aspirante sa pagka-pangulo sa halalan sa taong 2016.

Lumilitaw sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Hunyo 24 hanggang Hulyo 2 na 41 porsiyento ng mga respondent ay pipiliin si Binay bilang presidente kung ngayon isasagawa ang halalang pampa­nguluhan.

“Mapagkumbabang tinatanggap nang may pasasalamat ni Vice President Binay ang resulta ng Pulse Asia survey na nagsasaad na siya ang napipisil na presidente ng 41 porsi­yento ng ating mamamayan,” sabi ng tagapagsalita ni Binay na si Joey Salgado.

Bagaman dalawang taon pa bago maghalalan, ang resulta ng survey ng Pulse Asia ay isa nang boto ng kumpiyansa sa mga nagagawa at kahandaan ni Vice President Binay na pamunuan ang bansa.

Ang iskor ni Binay sa second quarter ay bahagyang mas mataas kaysa sa 40 porsiyentong rating niya sa survey ng Pulse Asia noong Marso 10-26.

Pumapangalawa sa survey si Sen. Grace Poe na nakakuha ng 12 percent kasunod si Manila Mayor Joseph Estrada na merong nine percent.

Nagtabla sa ikaapat hanggang ikaanim na puwesto sina Sen. Chiz Escudero, Interior Secretary Mar Roxas at Sen. Miriam Defensor Santiago na merong tig-pitong porsiyento.

Sinundan sila nina Senators Bongbong Marcos at Alan Peter Cayetano na merong tig-limang porsiyento bawat isa.

Nakakuha si Sen. Bong Revilla ng two percent habang tig-isang porsiyento sina Senate President Franklin Drilon at dating senador Ri­chard Gordon.

Sa naturang survey rin, pangunahing napipiling maging bise presidente si Poe sa 2016 sa tinanggap niyang 26 porsiyento sa boto ng mga respondent. Pumangalawa si Escudero sa 22 porsiyento at pangatlo si Cayetano sa 14 porsi­yento.

 

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

BINAY

BONG REVILLA

CHIZ ESCUDERO

GRACE POE

INTERIOR SECRETARY MAR ROXAS

JOEY SALGADO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

PULSE ASIA

VICE PRESIDENT BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with