^

Bansa

2 impeachment vs PNoy isasampa na

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ihahain na ng mga mi­litanteng grupo sa Kamara sa loob ng linggong ito ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino.

Ayon kay Kabataan partylist Rep. Terry Ridon, posibleng sa Huwebes na ihain ng grupo nila ang impeachment complaint samantalang ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) naman ay sa Miyerkules.

Paliwanag ni Ridon, minimum na dalawang complaints ang isasampang reklamo ng Ma­kabayan bloc. Ang complaint ng Bayan ay i-eendorso ng mga kongresista mula sa Bayan Muna at Gabriela habang ang sa kanila ay ang Kabataan partylist ang mag-eendorso.

Inaasahan naman ng mambabatas na minimum ng 50 complainants para sa Youth Act Now at pipilitin pa nilang makakukuha pa ng mas maraming complainant kung saan karamihan ay posibleng mula sa grupo ng mga estudyante o student councils sa buong bansa kaya nationwide ang pangangalap nila ng pirma.

Dalawa naman ang magiging basehan ng reklamo ng grupo kabilang dito ang culpable violation of the constitution at betrayal of public trust na umano’y pinakamalakas na ground dahil sa isyu ng paggamit ng pondo ng Disbursement Accelaration Program (DAP).

Nilinaw naman ni Ri­don na betrayal of public trust ang kanilang ground na ginamit dahil mas madali itong patunayan kumpara sa bri­bery.

vuukle comment

AYON

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BAYAN

BAYAN MUNA

DISBURSEMENT ACCELARATION PROGRAM

KABATAAN

PANGULONG AQUINO

TERRY RIDON

YOUTH ACT NOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with