^

Bansa

Gigi Reyes isinugod sa ospital

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Paninikip ng dibdib, kahirapan sa paghinga at seizures ang idinaing ng abogadong si Jessica “Gigi” Reyes dahilan upang isugod sa ospital ngayong Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa mga ulat, nakaranas ng panic attacks ang dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile na kasunod nang paglipat sa kanya mula sa Sandiganbayan patungong Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Dinala si Reyes sa Taguig-Pateros District Hospital bandang ala-una  ng madaling araw at hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa siya nakalalabas ng ospital.

Kaugnay na balita: Erap naaawa sa 'di makataong' kalagayan ni Gigi Reyes

Wala pa rin namang inilalabas na pahayag ang direktor ng ospital na si Dr. Prudencio Sta. Lucia.

Nahaharap sa kasong plunder si Reyes dahil sa pakikipagsabwatan umano sa itinuturong pork barrel scam mastermind na si Janet Lim-Napoles.

vuukle comment

AYON

CAMP BAGONG DIWA

DINALA

DR. PRUDENCIO STA

ERAP

GIGI REYES

JANET LIM-NAPOLES

REYES

SENADOR JUAN PONCE ENRILE

TAGUIG CITY

TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with