^

Bansa

Terror attack sa Mindanao: Duterte inalerto ni PNoy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines - Inalerto ni Pangulong Aquino si Davao City Mayor Rodrigo Duterte hinggil sa posibleng pag-atake ng terorista sa bahagi ng Mindanao.

Sa ulat ng Philippine Star, sinabi ni Duterte na tinawagan siya ng Pangulo kamakalawa ng gabi upang ipaabot sa kanya ang mensahe na posibleng umatake si Abdul Basit Usman na isang militant bomber.

Pero tumanggi si Duterte na ibigay ang detalye ng pakikipag-usap sa kanya ng Pangulo.

Agad ipinag-utos ng alkalde sa pulisya at militar na paigtingin ang seguridad sa mga nasasakupan nilang lugar upang mapigil ang anumang banta na dala ni Usman.

Pinamo-monitor na rin ni Duterte sa Task Force Davao na pinangungunahan ng militar ang galaw ng mga tao at behikulo na pumapasok at lumalabas ng Davao City.

Wala ring sinumang pwedeng makapagdadala o makakapagbitbit ng kanilang mga baril papasok ng Davao City upang masiguro at matiyak ang seguridad ng karamihan, maliban sa mga pulis at sundalo.

Dagdag ni Duterte na plano na rin nilang maglagay ng mga karagdagang checkpoints lalo na sa mga istratehikong lugar.

Konektado umano sa Abu Sayyaf si Usman na eksperto sa paggawa ng bomba.

Ayon umano sa intelligence community, ma­laking banta sa seguridad ng Mindanao si Usman.

Napaulat na napatay na si Usman sa pag-atake ng tropa ng Amerika sa Afghanistan boarder noong Enero 4, 2010, pero lumalabas na buhay pa ito at posibleng maghasik umano ng te­rorismo sa Mindanao.

Si Usman ay may $1 milyon patong sa kanyang ulo at ikinokonsidera ng mga awtoridad ng Amerika na banta sa buhay at interes ng mga Amerikano at Filipino.

vuukle comment

ABDUL BASIT USMAN

ABU SAYYAF

AMERIKA

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

MINDANAO

PANGULO

USMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with