^

Bansa

Pamilya Abad idinepensa ng Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mismong si Communications Secretary Sonny Coloma ang dumipensa kahapon para sa pamilya ni Budget Secretary Butch Abad na inaakusahan ng oposisyon na kinokontrol na ang gobyerno.

Ayon kay Coloma, naaayon naman sa batas ang pagkilos ni Abad bilang budget secretary at iba naman ang tungkulin ng anak at asawa nito sa gobyerno.

Bilang kalihim aniya ng Department of Budget and Management, hindi maa­ring magpasya ng sarili si Abad ng hindi naayon sa itinatakda ng batas at maging ang desisyon nito ay dapat naayon sa desis­yon ni Pangulong Aquino at maging ng Gabinete.

Iba rin naman aniya ang tungkulin sa gobyerno ng anak ni Abad na si Julia Abad na nagsisilbing pinuno ng Presidential Management Staff.

“Yon naman pong sa kanyang anak na si Secretary Julia Abad, nagpe-perform po siya ng functions bilang head ng Presidential Management Staff, na nasa nature po ‘yan nung personal assistance sa ating Pangulo o staff work para sa Pangulo at sa Gabinete,” ani Coloma.

Wala naman aniyang nag-aakusa kay Julia Abad na hindi nito nagagawa ng mabuti ang kanyang tungkulin.

Sa isyu naman aniya ni Cong. Henedina Abad, ang taumbayan ang nagbigay ng mandato dito matapos muling mahalal na kinatawan ng kanilang lalawigan.

Dapat aniyang isaalang-alang ang mga nabanggit na puntos bago mag-akusa ang mga bu­mabatikos sa pamilya Abad.

 

vuukle comment

ABAD

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

COLOMA

COMMUNICATIONS SECRETARY SONNY COLOMA

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GABINETE

HENEDINA ABAD

JULIA ABAD

PRESIDENTIAL MANAGEMENT STAFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with