^

Bansa

Napoles natakot, pinilit nung humarap sa Senado - abogado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos malamang nagsinungaling umano ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles nang humarap siya sa Senado, lumutang ang usap-usapang maaari siyang kasuhan ng perjury dahil sa hindi pagsasabi ng totoo sa kabila ng kanyang panunumpa.

Ibinigay ni Napoles ang kanyang sinumpaang salaysay kay Justice Secretary Leila de Lima nitong kamakalawa at sinabing sangkot sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa pork barrel scam, taliwas sa kanyang pagsagot sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi ng abogado ni Napoles na si Bruce Rivera ngayong Huwebes na hindi nagsinungaling ang kanyang kliyente bagkus ay natakot banggitin ang mga naturang pangalan hindi lamang nina Enrile, Estrada, at Revilla.

Kaugnay na balita: Napoles hindi utak ng 'pork' scam - abogado

"Siyempre po takot si Mrs. Napoles na humarap doon, because she [would] be actually implicating several members of the very same house that will investigate or would have an inquiry," paliwanag ni Rivera sa kanyang panayam sa dzMM.

Dagdag niya na nalito si Napoles sa mga nangyari nang humarap sa senado dahil na rin sa biglang pag-alis sa kampo ni Atty. Lorna Kapunan.

"Pagpunta niya roon [in Senate] sa mag-i-inquire sa kanya eh ang ingunguso niya 'yong mga may mga tao doon. S'yempre po takot siya." dagdag niya.

Kaugnay na balita: Isa pang mambabatas may pinakamalaking kinita sa pork scam – Lacson

Sinabi pa ng abogado na sapilitan din ang pagharap ni Napoles sa Senado kaya hindi maaaring sabihin sinungaling ang negosyante.

"Walang voluntariness doon sa part ng pagsisinungaling niya because she was forced at that time."

Aniya kung sila ang magdedesisyon ay ayaw na nilang humarap sa imbesitagasyon ng Senado, pero kung may subpoena ay wala silang magagawa.

Kaugnay na balita: 'Kaalyado ni PNoy sa pork scam 'di patatawarin'

"She will be appearing in the same house na maraming tao ang masasangkot ... As much as possible, we would want a proper investigating body," banggit ni Rivera na tinutukoy ang Department of Justice at Office of the Ombudsman.

vuukle comment

BONG REVILLA

BRUCE RIVERA

DEPARTMENT OF JUSTICE

JANET LIM-NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

JUSTICE SECRETARY LEILA

KAUGNAY

NAPOLES

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with