^

Bansa

Iba pang Senador pangalanan Napoles I-subpoena - Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Miriam Defensor-Santiago na i-subpoena at pabalikin sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee ang itinuturong utak ng pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles para ibunyag ang pangalan ng 19 pang mga senador na nakinabang sa pork barrel fund scam.

Sa sulat ni Santiago kay Senator Teofisto Guin­gona III, chairman ng komite, sinabi nito na inirerekomenda niya na muling imbitahan si Napoles matapos mapaulat na nagsalita na ito at may mga bago itong isiniwalat kay Justice Secretary Leila de Lima.

Sinabi ni Santiago na noong unang humarap sa komite si Napoles ay ayaw nitong magsalita ay palaging iginigiit ang kanyang “right against self-incrimination”.

Pero dahil sa bago umanong kaganapan kung saan sinasabing 19 na senador pa ang idinawit ni Napoles may malakas na dahilan para pabalikin ito sa witness stand ng komite.

Sinabi rin ni Santiago na iminumungkahi niyang mas bigyang prayoridad ng komite ang muling pagharap ni Napoles kaysa kay Atty. Gigi Reyes na dating chief of staff ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Bukod kay Enrile, nakakaladkad din sa pork barrel fund scam sina Senators Jose “Jinggoy” Estrada at Senator Ramon Bong Revilla Jr.

Senado mawawalan ng quorum

Tiyak na mawawalan ng quorum ang Senado sa sandaling masampahan ng plunder ang  lahat ng mga senador na sasabit sa pork barrel fund scam.

Sa panayam ng DWIZ, ibinunyag ni da­ting senador at ngayon ay rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson na ibinigay sa kanya ng asawa ni Janet Lim-Napoles na si Jimmy Napoles ang listahan ng mga sabit sa pork barrel fund scam ay halos wala ng matitira sa Senado.

Unang napaulat na aabot sa 19 na senador ang sangkot sa scam kung saan kasama sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Senators Jose “Jinggoy” Estrada at Ramon Bong Revilla Jr. Sinabi ni Lacson na sa lista­hang hawak niya ay wala namang 19.

 â€œParang walang 19 pero may quorum. Mara­ming  pangalan dun hindi lang sa Senate pati sa House, may mga pangalan din na hindi ko  inakala na makasama doon pero nakasama doon,”pahayag ni Lacson.

Ayon pa kay Lacson may mga pangalan sa nasabing listahan ang kahit isang beses ay hindi pa nababanggit maging  sa pagdinig sa Senado.

Nakipagkita ang asawa ni Napoles kay Lacson base na rin sa kahilingan ng itinuturong utak ng pork barrel fund scam.

Isa umano sa mga itinuturong dahilan kung bakit kay Lacson nais magbunyag ni Napoles ay dahil siya lamang ang hindi nakinabang sa pork barrel funds.

Matatandaan na noong senador pa si Lacson hindi nito tinatanggap ang kanyang pork barrel funds.

Idinagdag ni Lacson na nangangamba si Napoles sa posibleng mangyari sa kanya lalo pa’t isinailalim ito sa operas­yon kaya nagpasya itong magsabi ng totoo.

vuukle comment

BARREL

GIGI REYES

JANET LIM-NAPOLES

LACSON

NAPOLES

PORK

SENADO

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

SENATORS JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with