PNP handa kay Obama
MANILA, Philippines - Handa na ang security plan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng nakatakdang pagbisita sa bansa ni US President Barack Obama sa darating na Abril 28.
Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, bagamat ang Presidential Security Group ang paÂngunahing mangaÂngasiwa sa seguridad sa 2 day state visit ni Obama ay makakatuwang nito ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa kasalukuyan ay nasa heightened alert ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na maaring itaas sa full alert anumang oras depende sa mga kaganapan.
Sa PNP, sinabi ni Sindac na pangungunahan ng NCRPO sa pamumuno ng hepe nitong si P/Director Carmelo Valmoria ang pangangalaga sa seguridad sa pagbisita ni Obama na kaalyado ng Pilipinas sa kampanya kontra sa pandaigdigang terorismo.
Hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na report hinggil sa posibleng banta sa seguridad sa buhay ng US President.
- Latest