^

Bansa

18-anyos dinugo, patay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpaalam lang para sa ‘Visita Iglesia’ pero hindi na nakauwi pa ng buhay ang isang 18-anyos na high school graduate makaraang makitulog at sumiping sa boyfriend na 16-anyos, kung saan hinihinalang nakunan nang ipinagbubuntis dahil sa hindi maampat na pagdurugo sa Pandacan, Maynila kamakalawa ng madaling-araw.

Idineklarang dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Ericka Nulud, residente ng #2319 Severino Reyes st., Sta.Cruz, Manila.

Sa ulat ni PO3 Michael Marragun ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:30 ng gabi nang magpaalam sa ina na si Joy ang biktima na sasama sa mga kaibigan para sa Visita Iglesia.  

Nabatid na nagpasama pa ang biktima sa isang JV Boy Martino para puntahan ang nobyo na itinago sa pangalang Mike, 16.

Nauwi umano sa inuman ang pagkikita ng tatlo, hanggang sa umakyat na umano sa kuwarto ang magnobyo at nagpahinga.

Maya-maya pa ay nakitang dinudugo ang biktima kaya humingi ng tulong si Mike sa mga kaibigan para dalhin ito sa ospital.

Ayon sa nobyo, nitong Agosto lamang sila naging magnobya ng biktima at bihira silang magkita.

Sinabi lamang umano ng mga kaibigan niya na buntis ng isang buwan ang biktima. Hinihintay pa ang autopsy report mula sa National Bureau of Investigation upang malaman ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

 

vuukle comment

AGOSTO

ANA HOSPITAL

AYON

BOY MARTINO

ERICKA NULUD

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MICHAEL MARRAGUN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SEVERINO REYES

VISITA IGLESIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with