^

Bansa

Pinoy nurse mula UAE negatibo sa MERS-CoV

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na negatibo na sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (MERS-CoV) ang Pinoy nurse na sakay ng Flight EY 0424 na unang na-diagnose na may taglay nito, matapos ang masusi at karagdagang mga pagsusuri.

Gayundin ang luma­labas sa may 40 pang kasakay na pasahero ng nasabing Pinoy nurse, na pawang nagmula rin sa United Arab Emirates.

Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na lumitaw sa mga karagdagang pagsusuri sa Pinoy nurse na hindi ito infected ng sakit.

Sinabi ni Ona na walang sintomas ng sakit na nakita sa Pinoy nurse at lahat aniya nang isinagawa nila dito ay precautionary measure lamang.

Pinalabas na rin aniya ng pagamutan ang Pinoy nurse dahil wala nang nagsi-circulate na bacteria sa katawan nito.

Bukod naman sa Pinoy nurse, nag-negatibo na rin umano sa sakit ang 40 iba pang pasahero na nakasabay nito sa pag-uwi sa Pilipinas lulan ng naturang flight mula sa UAE, kabilang ang kanyang asawa, dalawang anak at isang katulong na pawang pinalabas na rin ng pagamutan.

Sa kasalukuyan ay 119 na mula sa 415 pasahero ang nakontak na ng DOH at 72 sa kanila ang nasuri na.

Hinihintay pa naman umano ng DOH ang resulta ng pagsusuri sa iba pang pasahero.

Nilinaw rin naman ng DOH na walang epidemic o outbreak ng MERS-Cov sa bansa maging sa Middle East kung saan pinaniniwalaang nagmula ang naturang sakit.

Sa kabila naman nito, hinimok ng DOH ang mga OFWs mula sa Middle East na magpasuri sa mga pagamutan sakaling mapansin nila na mayroon silang flu-like symptoms tulad ng lagnat, ubo, sipon o pagbabahing.

Ayon sa DOH, ang MERS-Cov ay isang communicable disease na madaling ipasa sa iba sa pamamagitan ng close contact sa isang positive carrier.

 

vuukle comment

AYON

COV

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

MIDDLE EAST

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME CORONAVIRUS

PINOY

SINABI

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with