^

Bansa

Yolanda death toll umakyat pa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Limang buwan matapos manalasa ang bagyong "Yolanda" sa Visayas, muling naglabas ang state disaster response agency ngayong Huwebes Santo ng bilang ng mga nasawi.

Ayon sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot na sa 6,300 ang nasawi sa pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng bansa.

Pitong bangkay pa ang narekober ng mga awtoridad sa Tacloban City, habang nasa 1,061 pa rin ang nawawala.

Higit tatlong milyong pamilya o 16 milyong katao naman ang naapektuhan ni Yolanda mula sa Regions 4-A, 4-B, 5, 6,7, 8,10, 11, at Caraga.

Mula sa naturang bilang ay 890,000 pamilya o higit apat na milyong katao ang nawalan ng tirahan.

Tinatayang aabot sa P90 bilyon ang halaga ng mga nasirang ari-arian.

vuukle comment

AYON

CARAGA

HIGIT

HUWEBES SANTO

LIMANG

MULA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PITONG

TACLOBAN CITY

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with