^

Bansa

Dalagita ibinugaw, 2 huli

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 19-an­yos na babae at isang lalaki sa pambubugaw at panghahalay sa isang dalagita, kamakailan sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong anti-trafficking in person in relation to child abuse si Melanie Delino, habang kasong panggagahasa ang isinampa sa 37-anyos na si Joey Deliva ng Tagalag, naturang lungsod.

Sa reklamo ng 14-anyos na biktima na itinago sa pangalang “Jenny”, Marso 29 nang ibugaw siya ni Delino kay Deliva sa Brgy. Polo, ng naturang lungsod. Alas-9 ng gabi nang dalhin siya ni Deliva sa isang kubo sa naturang lugar at pagsamantalahan.

Matapos makaraos, binigyan umano ng P500 at isang pakete ng shabu ni Deliva si Delino.  Habang naglalakad pauwi, isang lalaki na nakilala sa alyas “Mark” ang nakasalubong nina Delino at muling ibinugaw ang dalagita kapalit ng halagang P100.

Dinala ni “Mark” ang dalagita sa isang bakanteng lote at tinangkang gahasain ngunit napigilan ito nang isang lalaki ang makapuna at sumita sa kanila.

Nang pakawalan, agad na humingi ng saklolo sa mga kaanak ang biktima at saka dumiretso ng reklamo sa pulisya. Nadakip naman ang mga suspek nitong Abril 5 sa ikinasang follow-up operation.

vuukle comment

ABRIL

ARESTADO

BRGY

DELINO

DELIVA

ISANG

JOEY DELIVA

MELANIE DELINO

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with