^

Bansa

Walang brownout sa Holy Week

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siniguro ng gobyerno na walang magaganap na brownout sa Holy Week break kasabay ang paniniguro ng Department of Energy na mayroong sapat na supply ng kuryente pati sa Metro Manila sa kabila ng shutdown ng isang unit ng Masinloc power plant.

“Wala tayong brownout... Ang worry talaga eh ngayong araw kasi may Malampaya restriction, hindi total shutdown pero partial shutdown. Pero nagawan na natin ng paraan na tatakbo sa liquid ang mga puede tumakbo ng liquid para di manganib ang grid natin,” paniniguro ni Energy Sec. Jericho Petilla.

Napaulat ang posibleng pagkakaroon ng brownout matapos ilagay sa yellow alert ng DoE makaraang mag-shutdown ang unit 2 ng Masinloc power plant sa Zambales at ang maintenance shutdown din ng Malampaya natural gas.

Aniya, hindi kakapusin ng supply ng kuryente ngayong Holy Week dahil mas mababa ang demand sa kuryente kung saan maraming pagawaan ang sarado.

“Mababa ang demand nga­yon kasi nagsisimula ang mga tao mag-bakasyon... Estimate lang natin ang supply 8,300 to 8,400 MW. Ang consumo ay 7,400 at the peak... So may excess na mga 900 to 1,000 MW which does not put us at yellow alert,” paliwanag pa ni Petilla.

Inaasahang babalik ang ope­rasyon ng Masinloc sa loob ng 3-5 araw habang isinasaayos na din ang Pagbilao plant.

vuukle comment

ANIYA

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY SEC

HOLY WEEK

INAASAHANG

JERICHO PETILLA

MALAMPAYA

MASINLOC

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with