^

Bansa

Filing ng ITR walang extension - BIR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang ipatutupad na extension ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa filing ng Income Tax Returns o ITRs.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, hanggang kahapon lamang, Abril 15 ang itinakdang huling araw ng filing ng ITR at hindi na ito mapapalawig pa.

Nilinaw ni Henares na ang mga lalampas sa alas-5 ng hapon ng Abril 15 na hindi nag-file ng ITR ay magmumulta ng 25 percent surcharge at dagdag na 20 percent surcharge kada taon ng ‘di pagbabayad ng buwis.

Sinabi rin ni Henares na mas mainam na mag-file ng ITR ang mga taxpayers kaysa sa hindi mag-file dahil aabutin ng 50 percent ang surcharge para dito at 20 percent surcharge na dagdag kada taon.

“May kulong po yan bukod sa multa kaya kung ayaw niyo na makasuhan ng tax evasion, mag-file na kayo ng ITR at magbayad ng buwis kahit late na.

Dahil karaniwan na sa mga Pilipino ang last day mag-file ng ITR, kahapon ay dumagsa ang mara­ming taxpayers sa mga tanggapan ng BIR partikular sa QC para humabol sa deadline.

vuukle comment

ABRIL

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER KIM HENARES

DAHIL

HENARES

INCOME TAX RETURNS

NILINAW

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with