^

Bansa

Pag-post ng selfie pic sa FB iwasan muna - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na pansamantalang iwasan muna ang pagpo-post ng mga selfie photo sa mga social networking sites tulad ng Facebook ngayong Semana Santa at sa buong panahon ng bakasyon.

Ayon kay C/Supt. Reuben Theodore Sindac, Chief ng Public Information Office ng PNP, baka maikompromiso kasi ang lokasyon kung saan sila naroroon lalo na ang mga buena pamilya at magkaroon pa ng ideya ang mga elementong kriminal kung saan mainam na sumalakay.

Pinayuhan din ni Sindac ang publiko na i-off muna ang location services ng mga cellphone o gadgets para hindi masubaybayan at maisahan ng mga kawatan na posibleng tumutugaygay sa mga ito at naghaha­nap ng oportunidad upang mambiktima sa kanilang mga target.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi pinipi­gilan o ipinagbabawal ng PNP ang mag-selfie photo ang mga Pinoy ngunit iwasan lamang pansamantala ang mag-post nito sa tunay na oras bagkus ay iantala ito ng konti pagkatapos ng bakasyon kapag nakauwi na sila sa kanilang mga tahanan.

Nabatid na karaniwan ng istilo ng mga kriminal ay maghanap ng mga mabibiktima sa social networking site partikular na sa lokasyon ng mga lugar na kinaroroonan ng mga ito.

Nagbigay naman ng ilang safety tips ang PNP sa mga bakasyunista tulad ng pagtiyak na nakakandadong mabuti ang kanilang mga taha­nan na kung maari ay ihabilin sa kanilang mga kapitbahay.

Dapat rin aniyang alisin ang mga koneksyon ng mga appliances sa outlet ng kuryente at hangga’t maari ay mag-iwan ng tao sa bahay.

vuukle comment

AYON

DAPAT

FACEBOOK

NABATID

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

REUBEN THEODORE SINDAC

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with