^

Bansa

Maagang pahalik sa Itim na Nazareno

Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Manila Police District ang seguridad sa Luneta kasabay ng maagang pagsisimula ng pahalik sa Poong Nazareno kahapon na susundan ng traslacion bukas.

Ayon  sa MPD, aabot sa 4,000 augmentation  ng mga pulis ang ipakakalat sa paligid ng Luneta at ng Quiapo Church kung saan inaasahang aabot sa 9 milyong deboto ang lalahok sa traslacion.

Nabatid na 11 checkpoints din ang inilatag ng MPD upang masala ang mga motorista na posibleng magsagawa ng anumang kaguluhan. Handa rin ang puwersa ng Philippine Coast Guard, police districts at mga K9.

Umaabot din sa mahigit 30 ang CCTV came­ras doon, bukod pa sa 26 na unang ikinabit ng National Parks Development Committee.

Nagtayo na rin ng First Aid Station ang MMDA.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng patching works ang DPWH habang nag-iinspekyon ang mga pulis sa ruta ng traslacion.

vuukle comment

AYON

FIRST AID STATION

LUNETA

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL PARKS DEVELOPMENT COMMITTEE

PHILIPPINE COAST GUARD

POONG NAZARENO

QUIAPO CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with