^

Bansa

BIR sinopla ng Palasyo sa SALN ng mambabatas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mismong ang Palasyo ang nagpahiwatig kahapon na walang karapatan si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na ipa-submit sa kanyang ahensiya ang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng mga mambabatas.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, co-equal branch ng Kongreso ang Executive branch kung saan nasa ilalim naman nito ang BIR kaya hindi maaring obligahin ni Henares ang mga mambabatas na magsumite ng kanilang SALN.

Nilinaw pa ni Valte na kung sino man ang nagnanais makakuha ng kopya ng SALN ng mga congressmen ay maaring hingin ito sa House of Representatives.

Nauna rito, inihayag ni Henares na wala pang congressmen ang nagbibigay ng kopya ng SALN sa BIR kahit pa hiniling na ito sa House secretary general.

Sinabi naman ni Valte na maaring tingnan kung ang buong House of Representatives ang hinihingan o ilang partkular na mambabatas lamang na posibleng hind pa nakakapagsumite ng SALN.

“Tingin ko hindi po kasi ‘yung buong Mababang Kapulungan naman ‘yung hinihingan or ‘yung kinukunan po ng BIR. Siguro po nagkataon na ‘yung mga nandoon sa listahan ay either hindi pa ho nabibigay or wala. But, ano po ‘yan, being a co-equal branch of government, I’m sure that the House leadership will do something about it,” sabi ni Valte.

 

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMISSIONER KIM HENARES

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

HENARES

HOUSE OF REPRESENTATIVES

LIABILITIES AND NET

MABABANG KAPULUNGAN

STATEMENT OF ASSETS

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with