^

Bansa

Trapik sa MM sosolusyunan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Malacañang na ginagawa lahat ng gobyerno ang paraan upang ma­bigyan ng solusyon ang matin­ding trapik sa bansa partikular sa Metro Manila lalo pa’t ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Director Gene­ral Arsenio Balisaca ay umaabot sa P2.4 bilyon kada araw ang nawawalang “potential” income dahil sa problema sa trapik.

Kaugnay nito inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na isa sa tinututukan ngayon ng gobyerno ang pagpapaluwag ng trapik sa Metro Manila kabilang na ang EDSA.

Sinabi ni Valte na magkakaroon na ng terminal ng mga bus sa biyaheng North at South upang doon tumigil ang mga provincial buses para hindi na makihalo sa mga dumadaan sa mga city buses na dumadaan naman sa EDSA.

“Most of the Metro relies on EDSA as the main thoroughfare. Alam po natin ‘yung problema natin diyan, na talagang congested po ‘yan dahil ang total---‘yung buses pa lang po yata diyan ay 12,000 ang dumadaan. So we need to, obviously, we need to decongest EDSA…What are we doing about this? Apart from the campaign against the colorum buses; panga­lawa, sinisikap po nating ilayo ‘yung mga provincial buses para hindi na po sila dumaan doon sa EDSA mismo,” sabi ni Valte.

Ipinag-utos na ni Pa­­ngulong Aquino na tingnan ang mga alternative roads na puwedeng magamit kapag isinagawa na ang rehabilitasyon sa EDSA.

Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maiayos ang lahat ng national roads sa bansa pagdating ng 2015 hanggang 2016.

vuukle comment

ALAM

ARSENIO BALISACA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

DIRECTOR GENE

METRO MANILA

MOST OF THE METRO

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with