PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1    

20M Pinoy nagugutom araw-araw – Enrile

MANILA, Philippines - Magandang balita nga ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas pero hindi naman ito maramdaman ng mara­ming mamamayan lalo na ng may 20 milyong Pilipinong nagugutom araw-araw.

Ito ang reaksyon ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate at Cagayan Rep. Jack Enrile sa target ng pamahalaan na 6-7 porsiyento sa gross domestic product ng Pilipinas. Hindi anya maramdaman ng mga maralitang Pilipino ang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya dahil sa mahal na mga bilihin at serbisyo sa bansa.

“Maaaring sa papel lang ang paglago ng ekonomiya lalo na sa agrikultura maliban na lang kung magsasagawa ng mga paraan para matiyak na mapapakain ng mga slum-dweller sa lunsod at ng mga farm worker sa mga lalawigan ang kani-kanilang pamilya nang tatlong beses sa isang maghapon,” dagdag pa ni Enrile na isa sa prayoridad sa kanyang adyenda kung sakaling maupo sa Senado ang tinatawag na soberanya sa pagkain.

Pinuna pa ng mambabatas ang mataas na unemployment rate at malnutrisyon partikular sa mga bata na lalong nagpapalayo sa economic growth ng bansa at sa mababang kalidad ng pamumuhay ng maraming Pilipino.

Si Enrile ang may akda ng House Bill (HB) 4626 o ang tinatawag na Food for Filipinos Act na tututok sa pagkakaroon ng national food requirement plan na magtuturo at magde-develop ng kakayahan ng isang rehiyon o probinsya sa bansa na mag-produce ng pagkain.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:

Recent Facebook Activity

Facebook Recommendations

Comments

Ayon kay Jackie Enrile, marami ang nagugutom na Pinoy. Ito'y dahil marami na ngayon ang bilang ng Pinoy. Para mabawasan ang bilang, dapat gawin uli ni Jackie ang ginawa niya noong Martial Law na pumatay ng tao.

ayos, sapol na sapol. sa leeg ang tama. kaya mga kababayan ! ! ! dapat bang iboto ang taong ito. HINDI,,,,,,dapat ibasura.

Mr. JACKIE ENRILE kaya naman nagugutom melyon melyong pinoy dahil sa kaka smuggle nio rin ng mga kotse galing ibang bansa na pinadadaan nio sa PORT IRENE na kau rin ang may ari. Imbes na d2 gawin ang mga sasakyan na yan at makatulong sa mga mahihirap na manggagawa at maging income din ng pinas eh ndi nangyayari.. tapos lakas ng apog mong sabihin na milyon milyon pinoy naghihirap.. ano kaba>>??? THUMPS DOWN PARA SAU MR. ENRILE....

Bakit di pinamudmud sa mga Pilipino yung perang binigay ng ama mo sa mga Senador tuwing pasko .Ang mga Senador hindi nagugutom kasi mga mayaman sila . Binigay sana sa ama mo ang pera sa mga Pilipino sabi mo nagugutom di ayus sana . Bata ka pa Jack wala kang puwang nakita namin lahat na sinasabi mo laban sa goberno laging sa inyu ding mag ama matuturo ,Marami kayung palpak sa pamilya ninyu MABUTI PA sa yo itikum mong bibig mo .