Back to Top
Fixed salary sa bus driver, konduktor tuloy na - SC
Doris Franche-Borja (The Philippine Star) - July 12, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Binawi kahapon ng Supreme Court ang naunang status quo ante order na ipinatupad laban sa fixed-wage system ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa mga bus companies.

Inanunsyo ni SC spokesperson Gleo Guerra na sa isinagawang special en banc session, na­ging unanimous umano ang boto ng mga mahistrado na bawiin ang nasabing kautusan.

Kamakalawa ay ipinag-utos ng SC na pansamantalang itigil ang implementasyon ng order ng DOLE na nagtatakda ng buwanang sahod sa mga bus drivers at conductors.

Ang nabanggit na hakbang ay mariin namang tinututulan ng mga bus operators.

Iginiit ng mga petitioner na labag sa Konstitus­yon ang nasabing kautusan dahil nasasapawan nito ang umiiral na kontrata na nauna nang pinagkasunduan ng mga kompanya ng bus sa kanilang mga driver at konduktor na aniya ay paglabag sa Bill of Rights.

Partikular na tinukoy sa petisyon ang umiiral na employment arrangement sa mga kompanya ng bus kung saan boluntaryong sumang-ayon ang mga driver at konduktor sa commission basis.

Nang dahil din umano sa pagtatakda ng fixed salary, maaring lumiit ang kita ng mga driver at konduktor ng bus.

Binibigyan naman ng 10 araw ang DOLE at Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para maghain ng komento hinggil sa nakabinbing opposition.

BILL OF RIGHTS BINAWI BINIBIGYAN BUS DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT FRANCHISING AND REGULATORY BOARD GLEO GUERRA LAND TRANSPORTATION SUPREME COURT
  • Latest
  • Trending
  • Recommended
Trending
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with