PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Board member Iway nag-resign sa LTFRB

MANILA, Philippines - Nagsumite na ng kan­yang letter of resignation kay Pangulong Benigno Aquino III si Board member Atty. Ma­nuel Iway ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa kanyang liham, sinabi ni Iway na minasama ng ilan at pinalabas na may katiwalian at anomalya ang ipinalabas nilang desisyon na pagpabor sa pagbibigay ng prangkisa sa mga empleyado na pag-aari ng Pantranco sa utos na rin ng Court of Appeals para sa kapakanan ng may 2,000 tauhan ng kumpanya na marami sa mga ito ay matatanda na at patay na ang ilan.

Bagama’t hindi tinumbok ni Iway ang dahilan, mistulang na pressure siya sa panawagan ni DOTC Secretary Manuel Roxas na magsipagbitiw sa puwesto ang mga tauhan sa LTFRB na sangkot sa pagbuhay sa patay ng prangkisa ng Pantranco.

Pinabulaanan ni Iway na siya ay tumanggap ng pera kaugnay ng kuwestiyunableng desisyon sa usapin ng prangkisa ng Pantranco bus.  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: