^

Bansa

Mabilis na paglaki ng populasyon nagpapahirap sa pagbangon ng ekonomiya

-
Ang mabilis na paglaki ng populasyon ng Pilipinas ang dahilan kung bakit nahihirapang tumaas ang economic growth ng bansa.

Sa pinakahuling pagdinig ng House committee on population, sinabi ni Population Commission (POPCOM) Executive Director Tomas Osias na bigo ang gobyerno na mapigil ang pagtaas ng populasyon ng bansa.

Sinabi naman ni National Statistics Office Administrator Carmelita Ericta, ang kasalukuyang populasyon ng bansa at 2.36 porsiyento ay kung pababayaan ay posibleng madoble ang kasalukuyang populasyon ng bansa sa loob lamang ng 29 na taon.

Sa ngayon ay 76.5 milyon na umano ang populasyon ng Pilipinas at ang unemployment rate ay nasa 11 percent.

Base sa ulat ng NSO, bagaman at ang Metro Manila ang pinakamaliit na rehiyon, dito naman nagsisiksikan ang maraming tao na umaabot sa 15,617 katao ang nakatira per square kilometer.

Ang nasabing bilang ay 61 beses na mas mataas kaysa sa national figure na 225 persons per square kilometer.

Pinakamalaki naman ang populasyon ng Quezon City na 2.17 milyon, ikalawa ang Metro Manila na 1.58 milyon at pangatlo ang Caloocan na 57,407.

Ang Taguig ang naiulat na ‘fastest growing area’ sa bansa na may growth rate na 4.45 percent.

Kabilang sa mga rehiyon na mabilis tumaas ang populasyon ay ang Autonomous Region of Muslim Mindanao, 3.86 percent; Region IV, 3.72 percent; Region III, 3.20 percent; Region VII, 2.80 percent at Region II, 2.60 percent. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ANG TAGUIG

AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO

EXECUTIVE DIRECTOR TOMAS OSIAS

MALOU RONGALERIOS

METRO MANILA

NATIONAL STATISTICS OFFICE ADMINISTRATOR CARMELITA ERICTA

PILIPINAS

POPULASYON

POPULATION COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with