^

Bansa

100 Pinoy convict gustong umuwi ng 'Pinas

-
HONGKONG Via PLDT – Nais ng humigit kumulang na 100 bilanggong Pinoy contract workers na nahatulan ng ibat-ibang klase ng kaso na pauwiin na lang sila sa bansa at dito na lang nila ituloy ang pagbuno sa nalalabi pa nilang hatol.

Hindi umano makakilos ang Department of Justice sa kagustuhan ng mga preso na makauwi ng bansa dahil walang kaukulang legal na basehan para sila ay makulong sa Pilipinas dahil sa Hongkong sila nahatulan.

Ayon kay Philippine Consul General Ma. Zenaida Angara Collins,na pumapayag naman ang pamahalaang Hongkong na pauwiin sa Pilipinas ang mga preso subalit hindi pa napagtitibay ng Senado ang mutual assistance on criminal matters o ang paglilipat sa dalawang bansa ng mga nahatulan nilang mamamayan na nakagawa ng pagkakasala sa Hongkong at Pilipinas.

Sinabi ni Collins na ang pagkakasala ng mga nabilanggong Pinoy ay mula sa ilegal na pag-iingat ng huwad na pasaporte, paso na ang kanilang mga kontrata at pagpatay.

Tatlong Pinoy ang nahatulan ng salang pagpatay at kabilang dito ang isang Baby Bueno na umano ay pumatay sa kasintahan nitong Suwiso. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

AYON

BABY BUENO

DEPARTMENT OF JUSTICE

LILIA TOLENTINO

PHILIPPINE CONSUL GENERAL MA

PILIPINAS

PINOY

SENADO

TATLONG PINOY

ZENAIDA ANGARA COLLINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with